Tatay na umabuso sa 2 anak, hinuli sa Antipolo

0
253

ANTIPOLO, Rizal. Naaresto ng mga awtoridad ang isang tatay na pinaniniwalaang humalay sa dalawa niyang anak na dalaga sa lalawigan ng Rizal.

Kinilala Lt. Col. June Abrazado, hepe ng Antipolo City Police Stationang suspek na si Carlito Sacdalan, 38 anyos alias na “Tolits,” na hindi na pumalag nang madakip ng tracking team sa kanyang tinutuluyang lugar sa Brgy. San Luis, Antipolo City, kamakalawa ng hapon.

Itinuturing na number 3 sa listahan ng Most Wanted Person sa Calabarzon region sa Sacdalan. Nakatakda siyang humarap sa five counts ng kasong statutory rape at qualified rape.

Noong mga nakaraang araw, kumalat sa social media ang video clips na nagpapakita ng pang aabuso ng ama sa kanyang dalawang anak na babae, na may mga edad na 17 at 12, habang ang kanilang ina ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kasunod nito, naglunsad ang mga awtoridad ng masinsinang imbestigasyon matapos kumalat ang mga video sa iba’t ibang social media platforms. Sa tulong ng mga impormasyon mula sa publiko, na-track down ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at tinitirahan ng suspek, na humantong sa kanyang pagka aresto.

Ayon sa isa sa mga biktima, nagsimula ang mga pangmomolestya noong 2016, nang umalis ang kanilang ina upang magtrabaho sa abroad, at mula noon ay patuloy ng inabuso ang mga bata sa kanilang tahanan sa Antipolo City.

Masusing tutukan ng mga awtoridad ang kaso upang mabigyan ng hustisya ang dalawang biktima. Nananawagan din si Police Brig. Gen. Carlito M. Gaces, direktor ng Police Regional Office 4A sa mga kinauukulan at sa mga magulang na mas maging mapag bantay sa mga menor de edad upang maiwasan ang ganitong mga insidente sa hinaharap.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.