Tatlong bangkay, kabilang ang 2 Australians, natagpuan sa isang hotel sa Tagaytay

0
166

TAGAYTAY CITY. Dalawang Australyano at isang Filipina ang natagpuang patay sa isang hotel sa Tagaytay City sa Cavite. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente, ayon sa mga opisyal noong Huwebes.

Isang hotel worker ang nakadiskubre sa mga katawan ng mga biktima na nakagapos ang mga kamay at paa sa isang silid sa Lake Hotel sa Tagaytay noong Miyerkules, batay sa pahayag ng pulisya.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pagpatay, ayon kay Tagaytay police chief Charles Daven Capagcuan, at idinagdag na ang ilang mahahalagang gamit ng mga biktima, kabilang ang kanilang mga cellphone, ay hindi kinuha ng suspek.

“We were shocked by this incident,” pahayag ni Tagaytay Mayor Abraham Tolentino, humihingi ng paumanhin sa mga pamilya ng mga biktima. “We’re very sorry to our Australian friends. We will resolve this as soon as possible.”

Ang mga biktima ay pinaniniwalaang isang lalaking Australian na 50-anyos, ang kanyang Philippine-born asawa na nakakuha na ng Australian citizenship, at isang kamag-anak na Filipina.

Ang mga imbestigador ay kasalukuyang nakikipag ugnayan sa mga saksi at nagsusuri ng mga security camera sa hotel, kabilang ang isang footage na nagpapakita ng isang lalaking nakasuot ng mask at hoodie, at may dalang sling bag na lumabas mula sa silid ng mga biktima ilang oras bago natagpuan ang kanilang mga katawan, ayon kay Capagcuan.

Ayon sa isang kamag-anak ng babaeng Australyano, ang mag-asawang Australian ay lumipad mula Sydney papuntang Indonesian resort island ng Bali para sa bakasyon at pagkatapos ay nagtungo sa Pilipinas noong Lunes upang bisitahin ng Filipina ang kanyang dalawang anak sa unang asawa.

Ang mag-asawa ay nakatakdang bumalik sa Australia noong Miyerkules, noong araw na sila ay pinatay, ngunit nagpasyang mamasyal sandali sa Tagaytay, ayon sa anak na lalaki ng napatay na Australian-Filipina, na humiling na huwag pangalanan dahil sa takot matapos ang nangyari sa kanyang ina habang malaya pa ang suspek.

Sinabi ni Tolentino na ang labi ng lalaking Australyano ay ipapadala pabalik sa Sydney at ang dalawang babae ay ililibing sa Pilipinas ayon sa kahilingan ng kanilang mga kamag-anak. Ang gobyerno ang magbabayad para sa libing ng mga babae, dagdag niya.

Sa Australia, isang tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs and Trade ang nagsabing magbibigay sila ng consular assistance sa mga pamilya ng biktima at nagpahayag ng pakikiramay sa kanilang mga pamilya. Walang ibang detalye na ibinigay “owing to our privacy obligations,” ayon sa tagapagsalita.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.