Tatlong drug suspects arestado; Php 230K na shabu kumpiskado

0
264

Taytay, Rizal. Nasamsam ng Rizal Police ang halang Php 238,000 sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa kahabaan ng Dama De Noche Street, Brgy Sta Ana, bayang ito.

Inaresto ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit /Provincial Drug Enforcement Unit ang tatlong drug suspect na kinilalang sina Dennis Dillera Cortez, alyas “Dennis Acosta”, Andrew Reyta Aquino, alyas “Dagul” at isa pang drug pusher na kinilalang si Luz Ogaro Laguna, alyas “Luz” pawang mga residente ng Antipolo City, Rizal.

Sina Cortez at Aquino ay mga High Value Individual sa record ng Tanay Municipal Police Station.

Ayon sa ulat, isang confidential informant ang nagbigay alam sa mga awtoridad na si alyas ‘Dennis Acosta’ ang nasa likod ng talamak na bentahahn ng iligal na droga sa Dama De Noche Street. Bilang tugon, nagkasa ng buy-bust operation ang miyembro ng PIU/PDEU ng Rizal Provincial Police Office na nagresulta sa pagdakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 8 plastic sachet na naglalaman ng shabu na humigit kumulang 35 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng PhP 238,000.00.

Pinuri ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr, ang aniya ay  walang patid na pagsisikap ng mga nabanggit na sangay ng pulisya na dumakip sa tatlong drug suspects na diumano ay nananakot sa lugar ng Taytay, Rizal.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.