Tatlong engkwentro: 7 ang patay, 2 ang sugatan

0
223

PINAMALAYAN, Oriental Mindoro. Pito ang patay, kasama ang limang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA), at dalawang sundalo ang nasugatan matapos ang sunud-sunod na labanan sa bayang ito.

Ayon sa pahayag ng Philippine Army noong Sabado, Nobyembre 25, naglunsad ng combat operations ang 203rd Infantry Brigade sa Sitio Tugas sa Barangay Sabang nang maka-engkwentro ang mga ito ng 15 miyembro ng NPA.

Dalawampung minutong nagsagupaan ang mga sundalo at rebelde, kung saan nasawi ang tatlong miyembro ng NPA. Naganap ang ikalawang engkwentro sa parehong lugar, kung saan isang NPA ang napatay at dalawang sundalo ang nasugatan.

Sa ikatlong engkwentro, isa pang miyembro ng NPA ang nasawi. Kasunod nito, narekober ng mga sundalo ang siyam na high-powered firearms.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.