Tatlong kaso laban sa Laguna RTC judge ihahain ng Laguna PNP sa ombudsman

0
711

STA. CRUZ, Laguna. Isasampa ng pamunuan ng Laguna PNP ang tatlong kaso sa ombudsman laban sa isang RTC Judge na sumugod sa police station, nagsisigaw at nanakot sa mga pulis na humuli sa natanggal nilang kabaro na diumano ay nobyo ng irereklamong babaeng huwes.

Ang pagsasampa ng mga kaso sa ombudsman ay kinumpirma ni Police Col. Randy Glenn Silvio, Laguna provincial police director Police Col. Randy Glenn Silvio sa isang press conference sa Camp Paciano Rizal sa Sta. Cruz, Laguna kahapon.

Ayon kay Col. Silvio, nakalaya ang suspek dahil sa interbensyon ng huwes. Ayon sa kanya ay conduct unbecoming para sa isang mataas na public official na tulad ng isang huwes ang sumugod, makialam sa police process, manakot at manigaw ng mga pulis na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Magsusumite din ng report ang Laguna PNP sa supreme court hinggil sa naganap na insidente.

Matatandaan na nag-trending ang video sa social media kung saan makikita ang “pagwawala” at paninigaw ni Judge Suerte Oprecio sa Calamba City Police Station matapos madakip ng mga operatiba si Arnold Mayo sa isang police checkpoint sa Calamba City noong Linggo ng madaling araw.

Hinuli si Mayo ng Calamba police operatives sa isang checkpoint matapos na magpakita ito ng dalawang klase ng pekeng ID ng pulis at nakuhanan pa ng dalawang baril na walang lisensya.

Ayon kay Col. Silvio, si Mayo ay dating pulis at nadismis sa serbisyo noong 2018 dahil sa pagkamatay ng apat na pulis na inutusan niya na mag-detonate ng bombang natagpaun sa bakuran ng isang eskwelahan sa Laguna sa halip na humingi ng assistance sa bomb squad.

Lumalabas sa imbestigasyon na si Mayo at si Judge Oprecio ay malapit sa isa’t-isa kung saan maririnig sa kuha ng CCTV ang pananalita ng judge na noong tanungin kung asawa niya ang nadakip ay sumagot ito ng“no. we are not legally married.” 

Matibay na naninindigan ang Laguna PNP na tahasang nilabag ng nabanggit na huwes ang ethical standard ng pagiging isang judge ng sumipot ito sa inquest proceedings kung saan dinala ng mga operatiba si Mayo.

Idinagdag pa ni Col. Silvio na nakahanda ang buong pwersa ng kanyang tanggapan upang ireklamo sa Ombudsman hindi maka-huwes na ikinilos na pananakot at paninigaw ni Judge Oprecio sa mga alagad ng batas kabilang ang pag uutos niya na tanggalin ang posas ng nadakip na dating pulis.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.