Tatlong miyembro ng NPA ang sumuko sa pamahalaan sa Laguna, Quezon

0
203

Calamba City, Laguna. Ang mga ito ay nag-operate sa mga nasabing lalawigan at nagpasyang kalimutan na ang armadong pakikibaka. Naganap ang kanilang pagsuko kahapon matapos makipag-ugnayan sa Laguna 402nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A.

Sa pahayag ni Police Brig.General Carlito Gaces, direktor ng Calabarzon Regional Police 4A, kinilala ang tatlong sumuko na sina Restituto Prado, kilalang bilang “Nicole”, na miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan-Laguna-Ganap na kasapi (GK); Jeffrey Abig, 27 anyos, isang political guide at miyembro ng Platun Sol, Sub Regional Military Area 4-B; at Valian Palenzuela, 51 anyos, ng Platun Reymark na nag-o-operate sa Quezon.

Sinabi ni Prado na siya ay hinikayat ng isang Ka “Tashie” na sumali sa Kalipunan ng mga Bagong Alyansang Makabayan noong 2007 at naatasang maglingkod sa Macalelon, Quezon sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command.

Samantala, sina Abig at Palenzuela ay sumuko sa 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company sa Lopez, Quezon sa ilalim ng programa ng pamahalaan na “Coplan Greyhound”.

Kasabay ng kanilang pagsuko, ibinigay ng tatlong NPA ang kanilang carbine rifle, magazine, 11 live ammunitions, hand grenade, homemade shotgun, isang cal.45, isang M1911, isang cal.38, at mga bala.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.