Tatlong suspek na rapist na MWP, nasakote ng Laguna PNP

0
586

Sta. Cruz, Laguna.  Nadakip ang tatlong Most Wanted Person (MWP) na rank 2, 8 at 9 sa listahan ng top ten MWP sa Calabarzon sa magkakahiwalay ng operasyon, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz.

Inaresto sa isang joint manhunt ng mga tauhan ng Calamba Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Arnel L. Pagulayan ang rank 2 MWP na si Jose Castillo alyas Kuya Puti, 42 anyos at residente ng Barangay Makiling in Calamba City.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng  Family Court, Branch 8 sa Calamba City sa kasong 4 counts ng statutory rape laban sa isang 12 anyos na batang babae.

Sa Calauan, Laguna, nadakio sa kanyang bahay sa Brgy. Mabacan ang rank 8 MWP na si Ronnie Gimenez, 20 anyos.  Sa pangunguna ni Calauan Acting chief of police Jollymar R. Seloterio katulong ang RIU-4A Laguna Provincial Intelligence Team (PIT), ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court, Branch 8, Family Court sa Calamba City hinggil sa kasong statutory rape.

Samantala, inaresto sa Sitio 3, Bagumbayan sa Sta. Cruz, Laguna ang rank 9 MWP na si Cedrick Cambel alyas Cedric Errol Cambel, 37 anyos at ang live-in partner nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime P. Blancaflor ng Regional Trial Court, Branch 26sa kasong rape. Ang suspek ay nadakip sa isang operasyon na pinamunuan ni Sta. Cruz Municipal Police Station Officer in charge PLTCOL Paterno Domondon, Jr.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakapiit sa mga nakakasakop na police unit habang inaabisuhan ang mga korte kung saan ay nakasampa ang mga kaso laban sa kanila.

“We are continuously in pursuit of the people who inflict abuse or violence against women and children. And we are not alone in this goal, kaakibat natin ang mga LGU at komunidad,” ayon sa mensahe ni ni PCOL Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.