Tatlong suspek na rapist, nadakip sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon

0
235

Calamba City, Laguna.  Tatlong most wanted person ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga miyembro ng Police Regional Office CALABARZON sa Batangas at Quezon noong Nobyembre 22, 2021.

Ang suspek na si Reyman Jimenez Valencia, 45 at naninirahan sa Brgy. Veronica Lopez, Quezon ay inaresto sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa tatlong kaso ng rape. Si Valencia at una sa Regional Level Most Wanted Person.

Isa pang suspek na si Anthony Ariate Martinez na residente ng Brgy Ibabang Lupay, Lucena City ang nadakip noong nakaraang Sabado sa ilalim ng joint operation ng Lucena City Police Station, CIDG Quezon Provincial Field Unit, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC), Regional Intelligence Unit (RIU) 4A, QUEZON Provincial Intelligence Team (INTEL PACKET) Quezon Provincial Intelligence Unit and Highway Patrol Team, MARPSTA Quezon, Tactical Operation Group 4 (TOG4) and Tactical Operation Wing Southern Luzon (TOWSOL). Si Martinez ay ikalima sa listahan ng Regional Level Most Wanted Person sa kasong rape.

Nadakip din ang ika walo sa listahan ng most wanted person si Samuel Dela Cruz, Jr. noong Sabado ng umaga sa Brgy. Sibulan, Polilio, Quezon sa  joint operation ng personnel ng Polillo MPS, Burdeos MPS, RID-4A RSOU, PIU QUEZON PPO at ng 4th Platoon,1st QPMFC sa kasong rape.

Ayon kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Eliseo DC Cruz, ibayong sipag ang ibinigay ng mga miyembro ng nabanggit na police regional office upang madakip ang mga nabanggit na suspek upang sila ay maikulong at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima. “Hindi tayo patitinag, magpapatuloy pa din ang paglilinis natin sa ating mga komunidad at isa na dito ang pagtugis sa mga nagtatagi sa batas. Hindi naming kayo titigilan hanggat hindi kayo humihimas ng rehas,” said PBGEN Cruz.

Samantala, pito pang suspek na nakalista sa Top Ten Regional Level Most Wanted Persons ang dinakip mula noong Nobyembre 12 hanggang 19 , 2021 sa magkakaibang lalawigan ng Laguna, Quezon at Batangas.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.