Tataas ng P13.15 kada litro ang diesel mula bukas

0
461

Itinakda ng mga kumpanya ng langis ang kanilang pinakamalaking pagtaas ng presyo bukas habang patuloy na tumitindi ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine na siyang nagdudulot ng pandaigdigang inflation wave.

Kabilang ang Caltex at Cleanfuel sa mga unang nag-anunsyo na magtataas sila ng mga presyo sa ika labing isang sunod-sunod na linggo, simula bukas, Martes, Marso 15.

Ang presyo ng diesel ay tataas ng P13.15 kada litro at ang gasolina ng P7.10 kada litro. Tataas naman ng P10.50 kada litro ang presyo ng gaas/kerosene.

Ang iba pang mga kumpanya ay inaasahang susunod na ding magtataas ng mga presyo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.