TD Amang tumawid na sa Caramoan

0
483

Tumawid na ang Tropical Depression Amang sa dalampasigan ng Caramoan, sa probinsya ng Camarines Sur ngayong hapon, Abril 12.

Ayon sa PAGASA sa kanilang 2 p.m. cyclone bulletin, napanatili ng bagyong Amang ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

“Amang is forecast to track generally northwestward in the next 12 hours and is expected to pass over the eastern localities in Camarines Sur, Lamon Bay, and Quezon (with the possibility of passing near or over Polillo Islands),” ayon sa PAGASA.

“Considering the weak and disorganized nature of this depression, considerable changes in the track forecast of succeeding bulletins are not ruled out,” dagdag pa ng weather bureau.

Posible rin aniya na humina ito at maging low pressure area na lamang bukas, Abril 13.

Sa pinakahuling ulat, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Catanduanes: Sorsogon (City of Sorsogon, Pilar, Castilla, Donsol, Barcelona, Magallanes, Gubat, Casiguran, Juban, Prieto Diaz)

Albay, Camarines Sur, Camarines Norte

Laguna (Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac)

Aurora, Quezon (Buenavista, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Tagkawayan) including Pollilo Islands

Rizal (Tanay, Pililla, Rodriguez, Baras, City of Antipolo)

Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad)

Nueva Ecija (Gabaldon, Bongabon, Laur, General Tinio)

Nagbabala naman ang PAGASA sa katamtaman hanggang malakas na alon lalo na sa silangan at timog na dagat na sakop ng Timog Luzon at eastern seaboard ng Central Luzon.

“Mariners of small seacrafts are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” ayon sa abiso ng PAGASA.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.