Teacher at isang emplyeado, patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Batangas

0
389

Calamba City, Laguna. Patay ang isang public school teacher at isang empleyado ng multinational company at isa pa ang sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Lipa City, Batangas kahapon, ayon sa ulat ng Batangas PNP. 

Sinabi ni Lt.Col.Ronald Cayago, hepe ng Lipa City police, na minamaneho ni Richard Bon, 36, public school teacher ng Inosluban-Marawoy National High School, ang kanyang Honda motorcycle sa St. Peter Subdivision nang harangin ng dalawang riding-in-tandem ang kanyang dinaraanan. at binaril siya ng malapitan sa Barangay Tambo, Lipa City, noong Martes ng umaga. 

Binaril ng riding-in-tandem si Richard Bon, 36, guro sa Inosluban-Marawoy National High School habang nagmamaneho ng kanyang Honda motorcycle sa St. Peter’s Subdivision, Brgy. Tambo sa nabanggit ding lungsod.

Agad na namatay si Bon matapos barilin ng malapitan sa ulo, ayon sa report ni Lt.Col.Ronald Cayago, hepe ng Lipa City police.

Nagtamo si Bon ng tama ng bala sa kanyang ulo at namatay on the spot, habang nakatakas ang mga armadong lalaki matapos ang pamamaril, ayon kay Cayago. 

Kasunod nito, sa bukod na insidente, binaril din at agad namatay si Loren Ruarin na isang empleyado ng Nestle Philippines habang sakay sa Toyota Rush na nakaparada sa isang lugar sa kahabaan ng Southbound Star Tollway sa Brgy. Tiba, Lipa City. Kasama ng biktima sa kotse ang isang nagngangalang George Sagabarria, isang real estate agent ng lapitan sila ng isang lalaki mula sa madamong lugar at barilin ng malapitan ang babae.

Dead on the spot si Ruarin habang ginagamot naman si Sagabarria matapos magtamo ng mga sugat na dulot ng nabasag na salamin ng kotse.

Tumakas ang suspek patungo sa Brgy. Tibig, ayon pa rin sa ulat ni Lt. Col. Calayago.

Sinabi ni Cayago, na ahente ng Real Estate na si George Sagabarria kasama ang kanyang babaeng kasamang si Loren Ruarin, isang empleyado ng Nestle Phil. habang ipinarada ang kanilang itim na Toyota Rush (DBA-6352) na sasakyan upang magpahinga sa kahabaan ng Southbond Star tollway sa Barangay Tiba, Lipa City, noong araw ding iyon ng gabi nang lapitan sila ng hindi pa nakikilalang salarin mula sa bahagi ng damo at binaril si Ruarin nang malapitan. 

Tinitingnan ng mga imbestigador ang “crime of passion’ bilang motibo ng dalawang pamamaril. Gayon pan man, patuloy na nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Lipa MPS hinggil sa mga kaso, ayon sa ulat.

“Kami ay kasalukuyang nagsasagawa ng muling pagsubaybay sa pagsisiyasat sa parehong mga kaso at sinusuri ang ilang mga video footage ng close-circuit television camera na naka-install malapit sa site bago at pagkatapos mangyari ang mga krimen,” ayon kay Calayago.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.