Teacher, kagawad ng barangay timbog sa drug buy bust sa Laguna

0
315

Sta. Cruz, Laguna. Arestado kahapon sa buy-bust operation ng Laguna Drug Enforcement Unit sa Sta. Cruz, Laguna ang isang teacher sa araw at drug pusher sa gabi at ang isang kagawad ng barangay.

Kinilala ni PLt.Col.Randy Glenn Silvio, Laguna Provincial Police Director police director ang teacher na suspek na si John Paul Costa, 39 anyos na residene ng Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon sa Bay, Laguna bumibili ng droga si Costa at binebenta sa Sta. Cruz, Laguna. Nakuha sa kanya ang labing anim na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.9 gramo..

“After niya po sa school magturo, then sa gabi, ang modus niya po is magbenta po ng ipinagbabawal na droga. Nakakalungkot isipin talaga na public school teacher, which is tinuturuan niya po is elementary students, then sa gabi, ‘yun po yung nagiging trabaho niya. Parang teacher by day, pusher by night,” ayon kay Police Major Gabriel Unay, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station.

Ayon kay Silvio, si Costa ay matagal ng minamatyagan ng surveillance operation ng LPPO dahil sa mga report na sangkot ito sa pagbebenta ng illegal na droga. 

Kahapon direktang hinuli ang suspect sa buy bust sa M.H Del.Pilar St.Barangay Poblacion 3 , Sta Cruz.

Samantala, hinuli rin ng mga operatiba ng Lumban Municipal Police Station ang isang kagawad ng barangay ng bayang ito sa isang buy bust operation sa Brgy. Maracta kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Silvio suspect na si Kagawad Dalen at isang kilala sa pangalang Alter, isang construction worker at pawang residente ng nabanggit na lugar.

Nasamsam sa dalawang suspect ang may apat na libong halaga ng shabu at nahaharap sila ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous drug act.

Sinabi naman ni Lumban Mayor Rolando Ubatay na patuloy ang kanyang programa kontra droga at hindi umano niya papayagan na maging pugad ng mga drug characters ang kanyang nasasakupan lalo’ t higit kung kapakanan ng mga kabataan ang nakasalalay.

Idinagdag pa ng two term mayor na sisikapin niyang.maging drug free community ang Lumban sa mga susunod na buwan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.