Team VitaRA-BTS-COVDD, sasabak sa Nagcarlan

0
619

Nagcarlan, Laguna. Inihudyat ng Team VitaRA-BTS-COVDD ang kanilang laban sa bayan ng Nagcarlan sa pangunguna ni Elmor Vita, kandidatong mayor ng nabanggit na grupo.

Kabilang sa mga naghain ng certificate of candidacy ang kandidatong bise alkalde nito ang incumbent vice mayor ng Nagcarlan na si Rexon Arevalo at mga kandidatong konsehal na sina Joey Bueno, Robert Tajaran, Laurence Sombilla, Nelia Consignado, Christmas Osuna, Paking Vita, Larry Dizon at Errol Dorado. 

“Sa kabila ng nararanasan nating hirap na dulot ng epidemya, ang mahalaga ay may nakikita pa tayong pag asa at nananatiling malakas ang aming hangarin na maglingkod ng tapat at buong husay sa bayan ng Nagcarlan,”  ayon kay Vita.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.