Techno Demo Aralan sa Pangisdaan, sinimulan sa Laguna

0
376

STA. CRUZ, Laguna. Sinimulan kamakailan ang Techno Demo Aralan sa Pangisdaan sa Brgy. Bukal, Cavinti, Laguna sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias at mga kawani ng Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAg).

 Layunin ng Pamahalaaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gob. Ramil L. Hernandez na higit pang palakasin ang paghahatid ng kaalaman sa pagpapaunlad ng sakahan o pangisdaan sa Laguna.

Kasama at benepisyaryo sa naturang Techno Demo Aralan ang mga miyembro ng Cavinti Fish Cage Operators Marketing Cooperative (CaFisOMaCo) sa pangunguna ni G. Melchor Catulos. 

Ang samahan ay pinagkalooban ng 11,000 semilya ng I-Excel Tilapia na gagamitin upang mapag aralan ang teknolohiya sa fingerlings production na ituturo ni G. Ernesto Jara ng FAES. Ang aktibidad ay magpapatuloy sa loob ng mahigit 16 na linggo. 

Inaasahan na sa pagtatapos ng aktibidad ay may sapat na kaalaman na ang nabanggit na samahan sa pagpaparami ng semilya ng tilapia, magkaroon ng sariling tilapia breeders at hindi na kailangang bumili pa sa merkado.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.