MAYNILA. Maaari nang gamitin ang testimonya ng pamilya at kaibigan bilang ebidensya sa pagpapatunay ng psychological incapacity para sa pagpapawalang-bisa ng kasal, ayon sa Korte Suprema.
Ito ang naging pahayag ng Supreme Court Second Division sa desisyon nitong ipawalang-bisa ang kasal nina Jeffery A. Green at Rowena Manlutac Green dahil sa psychological incapacity ni Rowena.
Ayon sa psychiatric report na iniharap ni Jeffery, batay sa panayam sa sarili niya, ina ni Rowena, at isang kaibigan, napabayaan ni Rowena ang kanilang pinansya at umabot sa PHP 4 milyon ang kanilang utang. Inakusahan din niya si Rowena ng panloloko at pagsisinungaling sa tunay na ama ng kanilang anak.
Pinaboran ng RTC, Court of Appeals, at Korte Suprema ang petisyon. Giit ng Korte, “If the totality of evidence presented sufficiently establishes that a spouse’s psychological incapacity existed at the time of the celebration of the marriage, then the marriage may be declared null and void under Article 36 of the Family Code.”
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.