Teves binigyan ng 24 oras para lumutang o ma-sanction

0
268

Binigyan ng 24 oras ng House Committee on Ethics and Privileges kahapon upang personal na humarap sa House of Representatives si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa gitna ng napaso ng travel authority. 

Nagbabala si Committee chair Felimon Espares na ang disciplinary sanctions ay ipapataw kay Teves kapag tumanggi siyang bumalik sa trabaho sa kabila ng expiration ng kanyang travel authority noong Marso 9.

Si Teves, na iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, ay nasa labas ng bansa mula noong Pebrero at iniulat na tumangging bumalik dahil umano sa mga banta sa kanyang buhay.

“As per approved by the committee, we will just inform you that we will extend our time to let our colleague respond within 24 hours na umuwi dito. But kung hindi sya makapag-appear personally in our committee, so the committee would really have its decision, the appropriate sanctions,”  ayon sa salaysay ni Espares sa mga reporters.

Sinabi ni Espares na binibigyan si Teves hanggang 4 p.m. o 5 p.m. noong Martes para humarap sa komite ng Kamara.

Nauna dito, nagpadala ng liham si Teves kay Speaker Martin Romualdez, sa pamamagitan ni House Secretary General Reginald Velasco, at humihiling ng dalawang buwang leave of absence extension.

Sa liham na may petsang Marso 9, ang petsa ng huling araw ng kanyang initial na leave of absence, hiniling ng mambabatas sa Negros Oriental ang extension dahil sa “very grave threat sa kanyang buhay at pamilya.”

“Rest assured that he will come back as soon as the threat will be dealt with accordingly under our laws, and with the aid of the government,” ayon sa liham.

Ang kahilingan ay inaaksyunan pa sa Kapulungan ng mga Kinatawan.

Iginiit ni Romualdez ang kanyang paninindigan na dapat bumalik si Teves sa bansa at agad na mag-ulat para sa trabaho, na nagsasabing “hindi maganda” para sa isang miyembro ng Kamara ang tumakas sa bansa sa halip na gamitin ang lahat ng mga legal na remedyo na magagamit niya.

Tiniyak din ni Romualdez na siya at ang buong pamunuan ng Kamara ay “gagawin ang lahat ng paraan na kinakailangan upang bigyang-daan upang ligtas na makabalik si Cong. Arnie sa bansa.

Kaugnay nito, sumuko na sa mga awtoridad ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“We welcome the report of the surrender of at least one of the other suspects,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na siya ring pinuno ng Special Task Force Degamo.

Sinabi ni Abalos na ang suspek na isang dating sundalo ay nasa kustodiya na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at nakatakdang i-turn over sa National Bureau of Investigation.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo