Teves ikukulong sa Bilibid, ipinasilip muna sa media

0
59

MAYNILA. Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na ililipat ngayong Biyernes ng umaga si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa kanilang pasilidad sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Dumating si Teves sa bansa Huwebes ng gabi matapos ipadeport mula Timor-Leste kung saan siya humingi ng asylum. Ayon sa NBI, dadaan muna siya sa booking at medical examination sa NBI Manila bago ipresinta sa media.

Si Teves ay itinuturong utak sa pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023. Mariing itinanggi naman niya ang anumang pagkakasangkot sa mga pamamaslang.

Ang ililipat na pasilidad, ang Building 14, ay isang piitan na ginagamit ng NBI ngunit hiwalay sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.