Three-way vehicular accident, 2 patay

0
547

Cabuyao, Laguna. Tatlo ang patay sa banggaan ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng SLEX sa San Isidro Bridges kanina, ganap na 2:47 ng madaling araw sa lungsod na ito

Kabilang sa tatlong sasakyan na nagkarambola ang Isuzu Cargo plate no.TCK-779 , Man Ttruck Tractor NEU-6892  at isang assembled Jitney.

Ayon sa paunang imbestigsyon na isinagawa ni PEMS Romeo Vega Jr. ng Highway Patrol Group-HPG, kinilala ang dalawang nasawi na sina Joseph Agdan, driver ng Isuzu cargo truck at residente ng Brgy. Maligaya Rosario, Batangas at Marco Rosales, pawang mga pahinante ng nabanggit na cargo truck.

Naisugod pa sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatan ngunit habang daan ay binawian sila ng buhay.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.