MAYNILA — Naglabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng thunderstorm advisory nitong Huwebes ng umaga para sa ilang bahagi ng limang lalawigan sa Luzon na posibleng makaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malalakas na hangin.
Ayon sa advisory na inilabas kaninang 5:26 ng umaga, ang mga apektadong lugar sa loob ng susunod na dalawang oras ay ang mga sumusunod:
- Bulacan: Doña Remedios Trinidad, Norzagaray
- Rizal: Rodriguez, Tanay, Antipolo
- Laguna: Santa Maria, Siniloan, Famy, Pangil, Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Calamba
- Nueva Ecija: General Tinio, Gabaldon
- Batangas: Calatagan, Lian
Samantala, kasalukuyan nang nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malalakas na hangin ang General Nakar sa Quezon, na maaaring magpatuloy sa loob ng dalawang oras at makaapekto rin sa mga karatig na lugar.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





