Tigil-pasada ng MANIBELA, sisimulan ngayon

0
258

Patuloy na naghahanda ang Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers o MANIBELA para sa isasagawang transport strike ngayong araw, matapos kanselahin ang orihinal na pulong sa Malakanyang.

Sa isang pahayag mula kay MANIBELA President Mar Valbuena, ibinunyag niya na personal niyang ipinakansela ang pulong sa Malakanyang dahil sa isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ng ilang miyembro ng gobyerno. Ayon kay Valbuena, ang kanilang layunin ay magkaroon ng linaw sa mga isyung ito upang mapanagot ang mga sangkot.

Ipinunto ni Valbuena na may ilang indibidwal na ayaw ayusin ang mga isyu dahil sa takot na mabuking ang kanilang mga gawain. Bagaman at hindi pa pinapangalanan ang mga ito sa ngayon, itinataguyod ni Valbuena ang kanyang pangako na ibubunyag ang mga sangkot sa mga tamang panahon. “Tsaka ko na sasabihin [kung sino sila], malapit na. Mga corrupt talaga ito,” ayon kay Valbuena.

Gayunpaman, wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang Presidential Communications Office (PCO) kaugnay sa mga alegasyon ni Valbuena.

Ang transport strike na ito ay isang protesta laban sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may takdang deadline para sa consolidation ng tradisyunal na jeepney bilang bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program. Inaasahang magdudulot ito ng malakig na abala sa transportasyon sa kalakhang Metro Manila at mga karatig probinsya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.