Pumayag na sumailalim sa polygraph test ang may-ari ng social media account na diumano ay nagbabala sa planong pagpatay kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Isinuko ng suspek na si Ruel “Bong” Ricafort ang kanyang mobile phone para sa forensic examination, ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division chief Victor Lorenzo nitong Lunes.
“He agreed to turn over his gadget, a cellphone, last week. (He has) agreed (to a lie-detector test) but we are yet to schedule it,” ayon kay Lorenzo sa kanyang text message sa mga media.
Sumuko si Ricafort sa NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division noong Pebrero 9 ngunit sinabi niya na ang kanyang account sa video platform na TikTok ay na-access nang hindi niya nalalaman.
Nais daw niyang magsampa ng kaso laban sa iligal na paggamit ng kanyang account at nag-post ng “we are meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Humanda ka” noong nakaraang buwan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo