Tinanggap na ni si Pacquiao ang pagkatalo kay Bongbong Marcos

0
319

Nag-concede na si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa presidential race kay election frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngunit nangako na patuloy na maglilingkod sa mahihirap na Pilipino.

Ang pinakahuling partial at hindi opisyal na bilang ng Commission on Elections ay nagpakita na si Pacquiao ay nasa ikatlong puwesto sa mga binotong kandidato sa pagkapangulo.

Iginiit ng boksingero na naging pulitiko na ang kanyang desisyon na mag-bid para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay hinimok ng kanyang “sukdulang pagnanais na maglingkod sa bansa at maiangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.”

“The people have spoken. Tapos na ang halalan kaya bigyan naman natin ng pagkakataon ang pagkakaisa para sa kapayapaan at kaunlaran ang ating bansa,” ayon kay Pacquiao.

Ipinahayag din niya ang kanyang kahilingan na bigyang pansin ni Marcos ang pangangailangan ng mga mahihirap.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo