Tinanggap ng US Peace Corps, PH partners ang mga bagong volunteers

0
531

Tinapos ng United States Peace Corps kamakailan ang isang linggong kickoff program para sa mga boluntaryong Amerikano na magbibigay ng virtual technical assistance sa tatlong Filipino partners na humihiling nito sa susunod na anim na buwan.

Ang mga Amerikanong boluntaryong ito ay dating nanirahan at nagtrabaho sa Pilipinas bilang mga volunteer ng Peace Corps at “bumabalik” sa bansa upang suportahan ang mga Filipino host organization na may mga prayoridad na proyekto bilang bahagi ng makabagong Virtual Service Program ng US Peace Corps, na ipinakilala dahil sa pandemya.

Ang tatlong Filipino partners ay ang lokal na pamahalaan ng Ivisan sa Capiz, ang Bataan Peninsula State University, at ang Philippine Science High School.

Makikipagtulungan sa mga nabanggit na partners ang mga volunteers na Amerikano sa environmental program sustainability, agro and ecotourism program development, and information at communications technology.

“The US Peace Corps is pleased to support partners in meeting their priority technical assistance needs here in the Philippines, and we plan to continue this unique, highly demanded program even after the pandemic is fully behind us and we have volunteers here in person early next year,” ayon kay US Peace Corps Philippines Country Director Jenner Edelman.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa nakaraang taon na ang mga dating boluntaryo ng American Peace Corps ay nakipag-ugnayan at muling humiling sa mga kasosyong organisasyon sa pamamagitan ng virtual na serbisyo, kasama ang mga bagong kasosyo sa Peace Corps.

Ang mga kalahok na Amerikano ay mga pribadong mamamayan na nagbabahagi ng kanilang propesyonal na kadalubhasaan at naglalaan ng lima hanggang 15 oras bawat linggo upang maglingkod kasama ng kanilang mga katapat na Pilipino.

Ang US Peace Corps ay ang nangungunang organisasyon ng boluntaryong serbisyo ng gobyerno ng US na itinatag ni dating US President John F. Kennedy noong 1961.

Mula noon hanggang ngayon, mahigit na 240,000 Amerikano ang naglingkod sa mahigit 140 bansa sa buong mundo, kabilang ang mahigit na 9,300 boluntaryo sa Pilipinas.

Ang mga volunteers ng US Peace Corps sa virtual na pakikipagkita sa mga kawani ng Peace Corps at mga kasosyong Pilipino. Contributed photo.
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.