Tinatahak na ni “Odette” ngayon ang Sulu Sea sa pagitan ng Cuyo at Cagayancillo Islands

0
505

Ang Bagyong “Odette” ay tuloy tuloy na tumutungo sa Palawan habang binabaybay nito ang Panay Gulf, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngayong Biyernes ng umaga.

Batay sa Sa 5 a.m. storm advisory ng Pagasa, ang mata ni Odette ay nasa layong 75 kilometro (km) timog-kanluran ng Iloilo City, simula 4:00 a.m.

Bahagyang humina ang bagyo dahil kasalukuyang nagdadala ito ng maximum sustained winds na 155 km per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 235 kph, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 35 kph.

Inaasahang magla-landfall ito sa vicinity ng northern o central portion ng Palawan mamayang hapon.

Ang nakasisirang lakas ng hangin ng bagyo ay inaasahan sa loob ng 18 oras sa hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City) including Cagayancillo and Cuyo Islands

Inaasahan ang nakakasirang gale- to-storm-force sa loob ng 24 oras sa katimugang bahagi ng Oriental Mindoro (Bansud, Bulalacao, Roxas, Bongabong, Mansalay), katimugang bahagi ng Occidental Mindoro (Rizal, San Jose, Magsaysay, Calintaan, Sablayan), kanlurang bahagi ng Romblon (Looc, Ferrol, Santa Fe, San Jose, Alcantara, Santa Maria, Odiongan, San Agustin, San Andres, Calatrava), at gitnang bahagi ng Palawan (Narra, Sofronio Española, Quezon, Aborlan, Rizal, Brooke’s Point) kasama ang Kalayaan at Calamian Islands 

Ang malakas na hangin ay inaasahan sa loob ng 36 oras sa kanlurang bahagi ng Camarines Sur, Albay (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Cabusao, Calabanga, Bombon, Magarao, Canaman, Pamplona, Camaligan, Gainza, Pasacao, Naga City, Milaor, San Fernando, Pili, Ocampo, Sagñay, Buhi, Iriga City, Baao, Bula, Minalabac, Nabua, Balatan, Bato), Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao and Burias Islands, Marinduque, katimugang bahagi ng Quezon (San Antonio, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Gumaca, Plaridel, Pitogo, Lopez, Guinayangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, City of Tayabas, Perez), ang natitirang bahagi ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Palawan at Batangas.

RESCUE OPERATION. Nagsasagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Northern Mindanao para matulungan ang mga residente malapit sa Osmeña Creek, Cagayan de Oro City na apektado ng baha dahil sa Bagyong Odette noong Huwebes (Dec. 16, 2021). Lalong tumindi si Odette nang mag-landfall ito sa Siargao Island, Surigao del Norte bandang 1:30 ng hapon. Huwebes na may maximum sustained winds na 195 kilometers per hour. Photo credits: PCG FB page)
Tropical Cyclone ‘Odette’ Tracker, Disyembre 17, 2021; 8:00 AM.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.