Bibingka at puto bumbong available na sa San Pablo City

0
685

SAN PABLO CITY. Maaamoy na ang bagong lutong kakanin na puto bumbong at mainit na bibingka sa paligid ng San Pablo City Cathedral. Sa pagsisimula ng Ber months ngayong Setyembre, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang pagbebenta ng mga vendors sa plaza malapit sa kilalang lugar na “Sa Mangga.”

Nagkaloob ng mga tolda ang City Hall para sa mga nagtitinda, na nagpaabot ng pasasalamat kay Mayor Arcadio “Najie” B. Gapangada Jr. Inanyayahan din sila bilang panauhin sa isang pagpupulong ng mga Department Head, ayon sa post ng City Public Information Office.

Layunin ng maagang pagbabalik ng mga kakaning pamasko ang makatulong sa maliliit na nagtitinda at muling buhayin ang galaw ng tao sa heritage core ng lungsod, na kilala rin sa pitong lawa at sa tradisyon ng mga kakanin sa gilid ng simbahan.

Ang puto bumbong at bibingka ay itinuturing na pangunahing kakanin tuwing Simbang Gabi. Niluluto ang mga ito gamit ang uling, ang malagkit na bigas ay iniluluto sa mga tubo na gawa sa kawayan at iihahain na may mantikilya o margarina, ginadgad na niyog, at asukal.

Tiniyak ng mga opisyal ng lungsod na patuloy ang koordinasyon sa mga vendors upang manatiling malinis at maayos ang hanay ng mga puwesto at hindi maistorbo ang mga deboto at dumaraan. Idinagdag din na ang mga tolda ay magsisilbing proteksiyon laban sa ulan habang papalapit ang kapaskuhan.

Noong panahon ng mga Kastila, naging kaugalian na ang pagbebenta ng puto bumbong at bibingka sa labas ng mga simbahan tuwing madaling-araw pagkatapos ng misa. Simbolo ito ng pagsasama-sama ng pamilya, pagdiriwang ng pananampalataya, at ang pagsisimula ng kasiyahan ng Pasko.

Hanggang ngayon, nananatili itong bahagi ng kulturang Pilipino hindi lamang bilang pagkain kundi bilang alaala ng tradisyon.

Layunin ng maagang pagbabalik ng mga kakaning pamasko ang makatulong sa maliliit na nagtitinda at muling buhayin ang galaw ng tao sa heritage core ng lungsod.
Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.