Tinitingnan ng bagong PNP chief Acroda ang reshuffle ng high ranking PNP officials

0
332

Sinimulan na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang pagrerepaso sa performance ng mga key officials na maaaring mauwi sa reshuffle ng mga matataas na posisyon.

Sinabi ni PNP Public Information chief, Col. Redrico Maranan na gusto ni Acorda na makita ang “statistics of the accomplishments” ng mga PNP commanders bago magdesisyon ng susunod na hakbang.

“As of now, there is no major reshuffle that is happening. He wants to see first the performance of field commanders. He said he’s going to look at the numbers,” ayon kay Maranan sa isang radio interview kahapon.

Titingnan muna ang Chief PNP ang mga accomplishments ng lahat ng regional directors, na siyang gagamiting basehan kung isasagawa ba ang organizational movement o hindi.

Ang hinalinhan ni Acorda, ang nagretirong si Gen. Rodolfo Azurin ay nagsagawa ng malaking pagbabago ba kinasasangkutan ng 80 heneral at koronel isang linggo matapos ang kanyang appointment noong Agosto ng nakaraang taon.

Ngunit sinabi ni Maranan na maaaring hindi pa ito mangyari sa kaso ni Acorda sa ngayon.

Kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa organisasyon, mangyayari ito dahil ilang matataas na opisyal ang malapit nang mag retiro, ayon kay Maranan.

“We need to fill up the vacancies that will be caused by these retirements. Many third-level officers are retiring this year and because of that, we cannot avoid minor reassignments,” ayon sa kanya.

Samantala, ang mga nakatataas na opisyal ay kailangang maghintay pa para sa pag-apruba ng kanilang mga promosyon habang ang kanilang performance ay maingat na sinusuri.

Nais ng pamunuan ng PNP na matiyak na ang mga opisyal na mapo-promote ay malinis at hindi sangkot sa mga iligal na aktibidad, partikular sa droga, ayon pa rin kay Maranan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.