Naiipit ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagitan ng isang resolusyon ng Senado na suspindihin ang mga operasyon ng online cockfighting (e-sabong) at posibleng legal na implikasyon.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado noong Biyernes sa e-sabong at sa kaso ng hindi bababa sa 31 nawawalang sabungero, sinabi ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs chair Senator Ronald dela Rosa na bahala na ang mga regulators na agad na kumilos sa pansamantalang agpapatitigil ang operasyon.
“You have the responsibility. You regulate e-sabong and we have a problem with e-sabong so we are expecting that you do your job,” ang sabi ni dela Rosa kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo.
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) is torn between a Senate resolution to suspend online cockfighting (e-sabong) operations and possible legal implications.
During the resumption of the Senate hearing Friday on e-sabong and the case of at least 31 missing sabungero (cockfight aficionados), Committee on Public Order and Dangerous Drugs chair Senator Ronald dela Rosa said it would be up to regulators to take immediate action in stopping the operations for the meantime.
“You have the responsibility. You regulate e-sabong and we have a problem with e-sabong so we are expecting that you do your job,” dela Rosa told PAGCOR Chairperson Andrea Domingo.
Sinabi naman ni Domingo na dapat may legal na basehan ang suspensyon.
“Although we do respect the resolution from the senators for us to suspend immediately e-sabong operations, we have to look into the repercussions. In the final analysis, it would be PAGCOR that would be responsible for the final decision,” ayon kay Domingo.
Dalawampu’t tatlong senador ang lumagda sa Resolution No. 996 na humihimok sa PAGCOR na suspindihin ang lisensya sa pagpapatakbo ng mga e-sabong operators at agad na itigil ang lahat ng kaugnay na aktibidad hanggang sa maresolba ang mga kaso ng mga nawawalang sabungero.
Partikular na binanggit sa resolusyon ang mga operator na Belvedere Vista Corporation, Lucky 8 Star Quest Inc., Visayas Cockers Club, Inc., Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc., Newin Cockers Alliance Gaming Corporation, Philippine Cockfighting International Inc., at Golden Buzzer, Inc.
“Law enforcement agencies are deeply concerned that there might be more e-sabong related abductions and disappearances than that of reported. It appears that the abductions were well-planned and was probably done by trained and organized groups,” ayon sa resolusyon na isinumite noong Pebrero 28.
Dumalo si Charlie “Atong” Ang, vice president ng Lucky 8 Star Quest na nagpapatakbo ng Pitmaster online cockfighting ngunit hindi lumahok sa pagdinig hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Tinukoy ng PAGCOR ang e-sabong bilang isang online, remote o off-site na tayaan o pustahan sa mga live na laban sa sabong, kaganapan, at aktibidad na na-stream o nai-broadcast nang live mula sa mga arena ng sabungan na lisensyado o pinahintulutan ng mga lokal na pamahalaan.
Kasama sa mga tungkulin ng regulasyon ng E-Sabong Licensing Department ang pagbuo ng balangkas ng regulasyon, pagproseso ng mga aplikasyon, at pag-iisyu ng mga lisensya sa mga operasyon.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.