Tinuran ni Abalos ang mga miyembro ng PNP na sangkot sa P6.7-B shabu haul

0
185

Pinag bakasyon ni  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang dalawang police general at ilan pang mga pulis kaugnay sa isinagawang fact-finding investigation ng National Police Commission hinggil sa nawalang 990 kilo ng shabu na nakumpiska sa drug raid noong Oktubre ng nakaraang taon.

Aniya, kung hindi magsampa ng leave ay sususpindihin niya ang mga ito.

“Ang fact-finding board ay kumuha ng mga testimonya ng ilang personalidad at batay dito at sa iba pang mga ebidensya… sa ilalim ng pag-aari ng board, ipinapakita nito na talagang may malawakang pagtatangka upang pagtakpan ang pag-aresto kay Mayo,” ayon kay Abalos.

“Mag leave na lang muna sila pending investigation if not they will be suspended,” dagdag pa ng Interior chief kung saan binigyan niya niya ng ultimatum ang mga ito ng hanggang ngayong linggo lamang.

Kinilala naman ang mga pulis na pinagli-leave na sina Police Lt. Gen. Benjamin Santos, dating PNP deputy chief for operations; Police Brig. Gen. Narciso Domingo, ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group; Police Colonel Julian Olonan, ang hepe ng PDEG Special Operations Unit sa Region 4A; Si Police Lt. Col. Glenn Gonzales ng Quezon City Police District; Police Lt. Col. Arnulfo Ibañez, officer in charge ng PDEG SOU sa NCR; Police Major Michael Angelo Salmingo, deputy ng PDEG SOU NCR; Jonathan Sosongco, pinuno ng PDEG SOU 4A arrest team; Police Lt. Ashrap Amerol, intelligence officer ng PDEG Intelligence at Foreign Liaison Division; Police Lt. Col. Harry Lorenzo station commander ng Manila Police District sa Moriones; at Police Capt, Randolph Piñon, hepe ng PDEG SOU 4A Intelligence Section.

Iniharap ni Abalos sa media ang CCTV footage, na nagpakita kay Mayo na nakaposas at pagkatapos ay pinakawalan.

Ang video ay nagpakita rin ng mga opisyal ng pulisya na dumarating at umaalis sa lugar ng isang establisyimento kung saan naroon si Mayo.

Mula noon ay inaresto at tinanggal sa serbisyo si Mayo.

Ipinahayag ni Abalos na naniniwala siya na may mga pulis na sangkot.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.