Tinutugis na ng PNP ang mga nagpakalat ng balita hinggil sa’destabilization’ vs Pangulong Marcos

0
145

Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na itinuturong nasa likod ng diumano ayy destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ito ay kasabay ng pagtanggi ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ulat na wala na silang tiwala sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay PCol. Jean Fajardo, hepe ng PNP Public Information Office at tagapagsalita, iniimbestigahan na nila ang pinagmulan ng isang social media post sa pamamagitan ng PNP-Anti Cybercrime Group.

Sa naturang post, ipinahayag na ang pulisya ay naka-full alert status dahil sa umano’y tangkang destabilisasyon ng AFP at PNP.

Hinikayat ni Fajardo ang publiko na huwag maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang anumang mga gulo.

Unang inihayag ng PNP at AFP na nananatili ang kanilang suporta sa administrasyong Marcos. Wala umanong sentimyento ang PNP sa commander in chief, ngunit patuloy ang suporta sa kanilang mga hanay.

Tiniyak ni Fajardo na mananagot sa batas ang sinumang mapatutunayang nagpakalat ng maling impormasyon.

Sa panig ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., tinukoy na ng kanilang ahensya ang ilang nasa likod nito. Posibleng makasuhan ang mga ito ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code na nagtutukoy sa iligal na pagpapakalat ng maling impormasyon sa cyber space.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo