Titser patay matapos barilin ng ibinagsak na estudyante

0
662

BALABAGAN, Lanao del Sur. Patay ang isang guro matapos barilin ng kanyang estudyante na umano’y binagsak niya sa klase sa loob ng Balabagan Trade School sa Barangay Narra kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Danilo Barba, 34, guro sa nasabing paaralan, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alyas “Kaizer,” 20, isang Grade 11 student.

Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang pamamaril bandang alas-8 ng umaga. Inamin ng suspek na pinatay niya ang guro matapos itong magbigay sa kanya ng bagsak na grado, dahilan umano para hindi siya makapag-enroll sa Grade 12.

Nabatid na hindi lamang sa isang asignatura bumagsak ang suspek. Matapos ang insidente, sinubukan pa umano nitong magtago ngunit nahuli rin ng mga awtoridad.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.