Tiyo, nakaligtas sa 7 saksak ng pamangkin

0
323

Rosario Batangas. Nakaligtas sa kamatayan ang isang 56 anyos na tiyuhin matapos itong pag sasaksakin ng kanyang pamangkin sa bayang ito bandang alas kwatro ng madaling araw kahapon.

Kinilala ng mga rumespondeng pulis ang biktima na si Efren Gruta, residente ng Brgy.Marilag, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ni Police Col. Pedro Soliba, direktor ng Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si Rodney Gruta, 28 anyos ay nadakip na.

Batay sa pahayag ng kanilang mga kaanak, matagal ng may hidwaan sina Rodney at Efren at hindi maayos ang pagtrato ng suspek sa biktima sa tuwing sila ay magkikita.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, galing sa isang inuman ang tiyuhin at sinamahan ito ang isang kaibigan para ihatid sa kanyang bahay ng sundan ni Rodney na nagtago sa isang madilim na lugar na dadaanan ang biktima. Ng makita nito na walang kasama ang biktima sa paglalakad saka niya ito pinagsasaksak.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng himpilan ng pulisya mula sa MVM hospital tungkol sa sinapit ng biktima na dinala sa emergency ward. Nasa estable ng kalagayan ang biktima, ayon sa report.

Sa isinagawang follow- up operation, agad na nadakip ang suspek sa pinagtataguan nitong bahay at sinampahan ng kasong frustrated homicide.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.