TMJ disorders o sakit sa panga 

0
8638

Maraming mga Filipino ang hindi nakakaalam kung ano ang TMJ (temporomandibular joint) Disorder o sakit sa panga. Ito ay nakukuha natin sa maling pag kagat dahil sa binunot (exodontia) na ngipin na hindi nalagyan ng pustiso pagkatapos maghilom ang sugat. Dahilan din nito sungki sungking ngipin (malocclusion)  at (trauma) o aksidente kagaya ng vehicular accidents. 

Ang pag lagutok ng ating panga ang isa sa mga senyales na nagkaroon ng displacement ang ating jaw joints. Matatagpuan ito malapit sa ating tenga kaya dinig na dinig natin ang paglagutok pag ibinubuka o isinasara natin ang ating bibig.0

Kapag ito ay napabayaan, maaaring itong lumala hanggang sa magkaron na ng muscle spasm o pagtigas ng mga muscles sa mukha, sa batok hanggang likod o back pain. 

Marami ang nagtatanong kung ano ang kinalaman nito sa severe back pain. Ang kasagutan dito ay dahil sa muscle attachment na konektado sa ating muscle of mastication o ang mga muscles na ginagamit natin sa pag nguya. 

Ito ay ilan lamang sa mga sintomas ng TMJ disorders. Kaya ang paalala ng mga dentista ay bumisita sa mga dental clinic kada anim na buwan para ma-check up, malinisan (oral prophylaxis) at mapastaan ang mga may butas na ngipin upang maiwasan ang pagpapabunot.. 

Abangan ang mga susunod pang artikulo tungkol sa TMJ Disorders o TMJ D.

Ang TMJ ay acronym ng temporomandibular joint. Ang joint na ito ay matatagpuan sa pagitan ng iyong panga at temporal na buto. Ito ay may pananagutan sa pagpapahintulot sa bibig na gumalaw pataas at pababa upang maisagawa ang pang-araw-araw na gawain tulad ng pagkain, pag-inom, paghikab, at pakikipag-usap.
Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.