Top 5 MWP na akusado sa kasong rape, arestado ng Tiaong PNP

0
272

Tiaong, Quezon. Arestado ang Top 5 Most Wanted Person (Municipal Level) sa isinagawang Manhunt Charlie noong Miyerkules, Mayo 18, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlon Cabataña, Chief of Police ng Tiaong Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si Romel Mosdes Cambri, 38, tricycle driver at residente ng Poblacion 3, Tiaong, Quezon.

Ayon kay PLtCol Cabataña, bandang 6:15 ng gabi ay onaresto ang suspek sa nasabing barangay ng mga operatiba ng Tiaong MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape (2 Counts) na walang rekomendasyon sa piyansa.

Ang Tiaong MPS ay mas pinaigting ang kampanya laban sa kriminalidad, droga at terorismo upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Author profile
 | Website

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.