Trak nahulog sa bangin sa Quezon, 2 patay

0
223

Infanta, Quezon. Nahulog sa bangin sa National Highway of KM. 15 Brgy. Magsaysaydito ang isang trak sa bayang ito na ikinamatay ng driver ito at isang engineer at ikinasugat ng apat pang sakay nito.

Kinilala ni PCpl Samuel Gabangco ng Infanta Municipal Police Station ang mga nasawi na sina Roberto Vicente, 58 anyos na driver ng trak at Joseph Galang, 47 anyos na engineer na pawang mga taga Calumpit, Bulacan.

Samantala kinilala naman ang mga sugatan na sina Archie Vicente, 30 anyos; Nearly Buco, 32 anyos; Virgilio Chico, 32 anyos at Marilou Sangil na mga residente ng nabanggit ding bayan sa Bulacan.

Ayon sa salaysay ng mga nakaligtas na pasahero, papunta sa Infanta ang Mitsubishi Canter na pula na may plakang nr. RCW 195 ng mawalan ito ng preno at diumano ay hindi nakontrol ito ng driver hanggang sa mahulog sa bangin.

Agad na nagsagawa ng rescue operations ang Emergency Response Team ng Infanta matapos silang makatanggap ng tawag mula sa isang mamamayan hinggil sa naganap na sakuna bandang 9:45 kaninang umaga.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.