Travel-worthy cuisine ng PH inihain ng DOT sa Tagaytay

0
498

Sa pagsisikap ng Pilipinas na iposisyon ang bansa bilang isang destinasyon na hindi lamang nag-aalok ng mga world-class na beach kundi pati na rin ang iba’t iba at travel-worthy cuisine.

Noong weekend, itinanghal ng Department of Tourism ang hybrid na KAIN NA! Food Festival sa Tagaytay, na nag imbita ng mga turistang naglilibot sa mga isla ng Pilipinas sa at ipinakilala ng iba’t ibang lasa ng pagkain mula sa iba’t ibang rehiyon hanggang sa Caraga.

Sa temang “Traveling Flavors”, ang food expo ay nagbigay-daan sa Tagaytay foodies na matikman ang masarap na bersyon ng suman latik, sagmani, at moron ng Tacloban City; ang tinatawag na “healthy crisps” na gawa sa niyog at iba’t ibang gulay na produkto ng Sopresa mula sa Urdaneta City; bagnet ng Ilocos; at marami pang iconic na pagkaing Filipino.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.