Tresurera ng barangay, pinatay ng dating live-in partner

0
170

LAUREL, Batangas. Patay ang isang 40 anyos na tresurera ng barangay matapos barilin ng kanyang dating live-in partner sa bayang ito noong Linggo ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Shiela Avelino, residente ng Brgy. Paliparan, Laurel Batangas.

Samantala, patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Marlon Balani, 40 anyos na residente rin ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:00 ng hapon, naglalakad ang biktima sa kalsada ng barangay nang biglang magkrus ang kanilang landas ng suspek.

Sa hindi pa nalalamang motibo ay biglang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang dating live-in partner.

Agad na dinala ang biktima sa Global Medical Center sa Talisay, Batangas ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.