Trigger happy sa Batangas, arestado

0
213

Calatagan, Batangas. Arestado ang isang lalaki matapos magpaputok ng baril sa Brgy. Tanagan, bayang ito

Nagpaputok ng baril ng naturang suspek bandang alas-8:30 ng gabi Hunyo 3, 2022 at  ng isang concerned citizen ang nag report sa istasyon ng Calatagan Municipal Police Station (MPS).

Rumesponde ang mga pulis Calatagan MPS at nagtungo sa lugar kung saan inabutan pa nila na hawak ng suspek ang baril. Nagtangka ang suspek na tumakas ngunit agad naman itong nahuli at dinisarmahan ng mga awtoridad. Nakumpiska mula rito ang kanyang kalibre 45 na Armscor, magazine at mga bala. Nakuha rin ang dalawang basyo ng bala sa pinangyarihan ng insidente.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calatagan MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon sa pagsasampa ng kasong Alarm and Scandal at kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung mayroon tinamaan na residente sa pamamaril ng naturang suspek, ayon sa ulat ni PCOL Glicerio C. Cansilao, Provincial Director ng Batangas Provincial Police Office kay PBGEN Antonio C. Yrra, Regional Director Police Regional Office CALABARZON.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.