Trike driver, anak na babae, patay sa riding-in-tandem gunmen

0
389

LUCENA CITY, Quezon. Binaril at napatay ang isang 43 anyos na tricycle driver at ang kanyang 12 anyos na anak na babae ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem gunmen noong Martes ng umaga, Mayo 9, sa Purok Central, Barangay Mayao Castillo, sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Michael Garcia, at ang kanyang 12-anyos na anak na babae, mga residente ng Purok Dama de Noche ng Barangay Mayao Castillo.

Batay sa imbestigasyon, nagmamaneho si Garcia ang kanyang tricycle galing sa kanilang bahay upang ihatid ang kanyang dalawang anak na babae sa eskwelahan ng pagbabarilin sila bandang alas-5 ng umaga.

Nagtamo si Michael ng mga tama ng bala sa dibdib, tiyan at binti at namatay on the spot, habang ang kanyang anak na elementarya ay tinamaan ng ligaw na bala sa katawan at dinala ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa MMG Hospital ngunit idineklara dead on arrival.

Nakaligtas sa pag-atake ang 14 anyos na anak ni Garcia.

Tumakas ang mga suspek at sumakay sa isang itim na motorsiklo patungong Talipan, bayan ng Pagbilao.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang nililikom ang mga kuha ng CCTV sa lugar.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.