Trike driver na nakulong sa droga, itinumba

0
228

Lucena City Quezon. Patay ang isang tricycle dri­ver na dating nadawit sa iligal na droga matapos pagbabarilin ng motorcycle riding criminals sa Maharlika Highway sa Purok Happy Valley, Brgy. Ibabang Dupay ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Randy Arguiñoso, 33 anyos na residente ng Purok San Lorenzo, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Ayon sa ulat ni PLt.Col. Erickson Roranes, chief of police ng Lucena City Police Station, bandang alas 11:45 ng gabi ay nagmamaneho ang biktima ng isang tricycle patungo sa city proper ng sundan ng isang kulay pink na motorsiklo na sinasakyan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki saka pinaulanan ng bala hanggang mamatay.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek upang alamin ang motibo sa pagpatay.

Sa record ng pulisya, ang pinatay na si Arguiñoso ay dati nang nakulong at nakalaya noong Disyembre 16, 2022 dahil sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.