MAYNILA. Nangako ang Pilipinas, Estados Unidos, at Japan na patuloy na magtutulungan upang higit pang palalimin ang kanilang trilateral ties, partikular sa larangan ng ekonomiya, maritime security, at teknolohiya.
“I am confident that our three countries will continue to work together closely to sustain the gains that we have made in enhancing and deepening our ties,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na trilateral meeting kasama sina US President Joe Biden Jr. at Japan Prime Minister Ishiba Shigeru.
Matatandaang noong Abril 11, 2024, nagkaroon ng trilateral summit sina Pangulong Marcos, President Biden, at dating Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington, DC. Sa naturang pagpupulong, kanilang pinagtibay ang pangako para sa mapayapa, ligtas, at maunlad na Indo-Pacific, na ginagabayan ng mga prinsipyong nakabatay sa demokrasya, rule of law, at karapatang pantao.
Sinabi ng Malacañang na mula nang ma-adopt ang Trilateral Joint Vision Statement noong Abril, nakamit ang makabuluhang progreso sa pagpapatupad ng bilateral at trilateral cooperation sa mga usaping mahalaga para sa tatlong bansa.
“These interests include inclusive economic growth and resilience, crucial and emerging technologies, climate cooperation and clean energy, and promoting peace and security among the three nations,” ayon sa pahayag ng Palasyo.
Inulit ni President Biden ang kanyang sentimyento at sinabi, “Since then, we’ve made historic progress in our trilateral partnership, especially in areas of maritime security, economic security, technology cooperation, and high-quality infrastructure investments … We should continue to deepen our cooperation in these areas, I believe.”
Pinuri rin ni Biden si Pangulong Marcos para sa kanyang diplomatikong tugon sa mga aktibidad ng China sa South China Sea.
“Simply put, our countries have an interest in continuing this partnership and institutionalizing our cooperation across our governments so that it is built to last. I’m optimistic that my successor will also see the value of continuing this partnership, and that it is framed the right way,” dagdag pa ni Biden.
Samantala, binigyang-diin ni Prime Minister Ishiba na mahalaga ang pagpapatibay ng trilateral cooperation sa iba’t ibang larangan.
“Going forward, it is important to deepen trilateral cooperation in a variety of fields,” aniya.
Sa isang trilateral phone call noong Lunes, muling nangako sina Pangulong Marcos, President Biden, at Prime Minister Ishiba na pagtitibayin ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng patuloy na pagsasakatuparan ng mga nakalinyang proyekto at inisyatibo.
Ang kasunduang ito ay inaasahang magbibigay ng higit pang lakas at pagkakaisa sa ugnayan ng tatlong bansa, na magdudulot ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo