Tulisan patay, 4 na kasama timbog sa Cavite encounter

0
298

Noveleta, Cavite.  Napatay ang isang robbery suspect at arestado ang apat pang kasamahan nito matapos makipag engkwentro sa mga pulis na miyembro ng tracker team sa Cavite.

Kinilala ni Col. Christopher Olazo, Cavite provincial police director, ang nasawi na si Aiben Herrera, 18 anyos na residente ng Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite. Idineklara itong dead-on-the-spot.

Sinabi ni Olazo na si Herrera at apat nitong kasamahan ay sangkot sa insidente ng pagnanakaw sa Maragondon, Cavite dalawang araw na ang nakalipas.

Naaresto sa nabanggit na hot pursuit operation sina Ariel Cuyson, Jin Boy Mendoza, Rachelle Suson at Jayjay Pantoya habang si Khen Herrera ay nakatakas sa kasagsagan ng barilan.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang cellphones, at ang personal na kagamitan ng mgaa biktimang sina Aira Kue, 25, Annie Luntor, Darielle Lim, kapwa medical intern at ng caretaker na si Romel Rodriquez na siyang mga nag report ng insidente ng nakawan.

Sinabi ni Olazo na habang natutulog ang mga biktima sa kanilang kuwarto ay pumasok mula sa bintana ang anim na armadong suspek sa Brgy. Bucal 3-2, Maragondon, Cavite.

Tumakas ang mga suspek matapos na makuha ang mga kagamitan ng mga biktima.

“We were able to identify the suspects and traced their whereabouts and hideout in Noveleta,” ani Olazo.

Sa halip naa sumuko, pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga operatiba na nagresulta sa engkwentro at ikinamatay ni Herrera.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.