Tulong ng U.S. para sa mga biktima ng bagyong Odette, umabot na sa P1-B

0
273

Naglaan ng karagdagang Php 950M o $19M ang United States of America ng tulog para sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyong si Odette sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID). Dahil dito, umabot na sa Php 1B o $20.2M ang kabuuang suportang naibibigay ng US para sa mga bitima ng nabanggit na bagyo.

Sa tulong na ito, ang USAID ay magbibigay ng tulong sa pagkain; sanitation at hygiene programs at  shelter assistance upang matugunan ang agarang pangangailangan na muling makapag tayo ng bahay ang mga biktima.

“The United States is pleased to announce an additional and significant assistance of P950 million, which brings our total amount of aid for Typhoon Odette to over P1 billion.  We stand steadfast with our long standing friend, partner, and ally in helping support communities devastated by the typhoon. This additional assistance will help deliver food and hygiene supplies, and provide life-saving support to those most in need,” ayon kay U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava. 

Ang bagong pondong ito ay dagdag sa P50M ($1 milyon) na inireport noong unang bahagi ng linggong ito upang suportahan ang mga pagsisikap sa emergency logistics at matiyak na maihahatid ang tulong sa mga nasa malalayo at mahirap puntahang lugar.

Mula sa pondong ito ay bubuo din sa P10M ($200,000) na kaagad na ibinigay ng USAID pagkatapos ng bagyo para sa mga supply ng pagkain, tubig, at hygiene supplies upang maibalik ang mga serbisyo ng water supply at sanitation facilities sa mga apektadong lugar.

Nakatakdang bisitahin ni CDA Variava ang mga komunidad na naapektuhan ng Bagyong Odette at tingnan ang mga isinasagawang aktibidad ng pagtulong ng U.S.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 508,785 na bahay ang winasak ni Odette sa Visayas, Mindanao at ilang isla sa MIMAROPA. Mahigit na 52,000 na pamilya ang nawalan ng bahay bago mag Pasko.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.