Tuloy ang pagdagsa ng botante sa Calamba City

0
249

Calamba City, Laguna. Patuloy ang pagdagsa ng mga botante sa Bucal Elementary School sa Calamba City, Laguna upang bumoto ngayong #Eleksyon2022.

Maayos namang nasusunod ang health protocols gaya ng pagkuha ng temperatura ng mga botanteng papasok sa mga polling precincts.

Ang Calamba City ang may pinakamalaking bilang ng mga botante sa buong lalawigan ng Laguna.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.