Tulsa Police: 4 ang patay, kabilang ang gunman matapos ang pamamaril sa isang ospital

0
243

Maraming tao ang binaril at ang pinaghihinalaang gunman ay “patay” din pagkatapos ng isang active shooter incident kanina sa Tulsa, Oklahoma, ayon kay Tulsa Police Capt. Richard Meulenberg.

Sinabi ng Tulsa Police Department na nag responde sa Natalie Medical Building sa gitna ng mga ulat ng isang lalaking may rifle. 

“Naging aktibong sitwasyon ito,”ayon sa departamento. Patay na ang gunman at sinisiyasat ng mga pulis ang bawat silid ng gusali. 

Wala pang malinaw na balita sa pagkamatay ng suspek. Ang mga biktima ay ginagamot ng mga bumbero. Ginagamot ng mga bumbero ang mga biktima ngunit hindi sinabi ang kalagayan ng natamong mga pinsala.

“We can confirm 4 people are deceased, including the shooter, in the active shooting situation at St. Francis hospital campus. Officers are still clearing the building,” ayon sa Tulsa police spokesperson sa social media.

Ang Natalie Medical Building ay pangunahing ginagamit para sa sports medicine at orthopaedic surgery.

Ang mga kaanak ng biktima ay inutusan ng pulisya na pumunta sa Memorial High School. Hinihiling ng mga awtoridad sa mga tao na iwasan ang lugar na pinangyarihan ng insidente.

Natalie Medical Building sa Tulsa, Oklahoma. Patay ang isang pinaghihinalaang shooter kasama ng hindi bababa sa 3 iba pang mga tao sa isang aktibong insidente ng pamamaril kanina, ayon sa  pulisya. Photo credits: Tulsa Police Department

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.