Tumaas ang presyo ng isda at gulay matapos hagupitin ng Bagyong Egay ang northern Luzon

0
418

SAN PABLO CITY, Laguna. Nagmahal ang presyo ng mga gulay at isda pagkatapos ng Bagyong Egay na nanalasa sa probinsya ng Hilagang Luzon.

Sa San Pablo City Public Market, ang mga gulay tulad ng bell pepper, repolyo, carrots, kamatis, at patatas ay nagtaas ng mahigit na ₱50 kada kilogramo.

Ayon Jean Latorre, isang may ari ng tindahan ng gulay sa nabanggit na palengke, karamihan sa mga gulay na ito ay galing sa Baguio na isa sa mga malubhang nasalanta ng katatapos na bagyo.

Gayunpaman, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na wala pa silang natatanggap na update tungkol sa pinsalang idinulot ng Egay sa mga pananim sa Cordillera region.

Samantala, ang presyo ng mga isdang katulad ng bangus, galunggong, at tilapia ay nagtaas din dahil sa kahirapan sa pagkuha ng iba pang uri ng isda.

Bagama at karaniwang tumataas ang presyo ng isda sa panahon ng tag-ulan dahil sa fishing ban, ang ilang mga mamimili ay nagsasabi na hindi na sila umaasa sa mas murang isda ano man ang panahon.

Sinabi ng DA na ang pinsala ng Egay sa agrikultura ay umabot sa ₱53.1 milyon para sa palayan at maisan, hayop, at manok sa rehiyon ng Cordillera, CALABARZON, MIMAROPA, at Caraga.

Gayunpaman, sinabi ng ahensya na hindi sapat ang epekto nito upang makaapekto sa suplay at presyo sa merkado.

Sinabi ng DA na naglaan sila ng ₱1 bilyon na quick response fund para sa bagyong Egay at el Niño.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.