Tumaas lang 3% ang population growth ng PH noong 2021: Pinakamababa sa loob ng 70 taon

0
373

Tumaas lamang 3% o 324,000 ang populasyon ng Pilipinas sa taong 2021 kumpara sa datos ng 2020 na 914,797 births.

Ayon sa Commission on Population and Development (PopCom) kahapon, ang taunang “natural increase” ay pinakamababa mula noong 1946 at 1947 panahong lumaki ang populasyon ng 254,000.

“Filipinos remained prudent by continuing to delay having children or forming families during the combined economic crisis and Covid-19 health emergency. Couples in growing numbers continue to avail of family planning commodities and services in all regions of the country, with eight million users of modern family planning methods in 2020, or an addition of about 500,000 from 2019,” ayon sa paliwanag ni PopCom chief Dr. Juan Perez III sa isang livecast.

Ang nabanggit na datos ay resulta ng mga computations ng PopCom batay sa preliminary reports ng Philippine Statistics Authority mula Enero 2020 hanggang Agosto 2021.

Batay sa pagtatantya, ang populasyon ng Pilipino ay magiging humigit-kumulang na 109,991,095 sa pagtatapos ng 2021, mas mababa ng dalawang milyon kaysa sa mga naunang pagtataya batay sa 1.63 porsyento ng rate ng paglaki ng populasyon.

Ayon kay Perez, ang mababang paglaki ng populasyon noong 2020-2021 ay nangangahulugan ng mas malaking pagkakataon para sa bansa at sambahayan upang makabangon sa pagsiklab ng Covid-19, kasabay ng pagtaas ng kakayahan ng bansa at lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyo.

“Filipinos remained prudent by continuing to delay having children or forming families during the combined economic crisis and Covid-19 health emergency. Couples in growing numbers continue to avail of family planning commodities and services in all regions of the country, with eight million users of modern family planning methods in 2020, or an addition of about 500,000 from 2019,” PopCom chief Dr. Juan Perez III explained in a livecast.

“If integrated population and development measures are sustained, we can look forward to a more stable population that can effectively support Philippine development. Smaller family sizes need to be supported by a national living wage structure that also allows parents to save for their households’ unmet needs in food, housing, and education. Uneven regional wage structures only lead to individuals falling further behind than those in progressive areas such as the National Capital Region, Calabarzon, and Central Luzon,” ang pagtatapos ni Perez.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.