Maynila. Ginawaran ng Certificate of Recognition ang lalawigan ng Laguna mula sa Cooperative Development Authority (CDA) sa ginanap na CDA Gawad Parangal 2022 sa Manila Hotel sa kabisera ng bansa.
Sinabi ni Tinanggap ni Provincial Cooperative Development Office (PCDO) Head Engr. Edwin S. Bautista ang parangal mula kay Asec. Pendatun B. Disimban sa ngalan ni LAguna Governor Ramil L. Hernandez at kinilala ang walang patid na suporta nito sa mga programa at inisyatiba sa pagpapaunlad ng kooperatiba.
Ipinagdiriwang at pinarangalan ng CDA Gawad Parangal ang mga kooperatiba na nag-ambag sa paglago at pag-unlad ng kanilang mga miyembro at komunidad.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.