Turistang Pinoy namatay sa Hong Kong Disneyland

0
303

MAYNILA. Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado ang pagkamatay ng isang 53-anyos na Pilipinong turista sa Hong Kong.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, nawalan ng malay ang lalaki habang sakay ng isang ride sa Hong Kong Disneyland at kalauna’y binawian ng buhay. Nabatid na mayroon na siyang dating karamdaman.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na ang Consulate General sa Lantau Police at sa pamilya ng biktima upang ipaabot ang pakikiramay at tumulong sa pag-asikaso ng pag-uwi ng mga labi.

Patuloy rin ang koordinasyon ng DFA sa mga lokal na awtoridad habang nirerespeto ang pribadong pagdadalamhati ng pamilya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo