Turmeric: Magtanim tayo ng golden spice sa ating hardin o mga paso

0
994

Kinagisnan ko ang aking Lola Haba na madalas magluto ng tsaang luyang dilaw. Kaya bata pa ako ay kilala ko na ang turmeric. Nitong nagsimula ang pandemic, naging bukambibig ang halamang ito sa radio, telebisyon at sa social media at naitampok ang mga scientifically proven na health benefits nito.

Noong taong 2007 hanggang 2009, dinadala namin ni Myrna sa mga exhibits namin sa Maynila ang luyang dilaw. Mabiling mabili na ang turmeric noon pa man. Dahil dito, kada taon ay nagpapatanim ako sa bukid ng luyang dilaw.

Noong nakaraang taon ay 5 sakong luyang dilaw ang itinabi upang gawing punla. Kaya sa buwan ng Marso 2022 ay muli kaming mag aani nito. Ang iba namang binhi ay aming ipinagbibili sa mga nais magtanim din ng turmeric kasama ng mga payo ng tamang patatanim at pag aalaga.

Maraming gamit ang luyang dilaw o turmeric. Hindi lamang mas pinasarap nito ang maraming lutuin. Bukod sa curry ay ginagamit ko din itong pangkulay ng aming kanin. Bukod sa maganda ang food presentation ng kanin ay healthy pa ito.

May bioactive compounds na may powerful medicinal properties ang luyang dilaw. Ang compound na ito ay tinatawag na curcuminoids. At higit sa lahat ay mayroon itong pangunahing active ingredients na curcumin. Ito ay may mabisang anti-inflammatory effects at isang epektibong antioxidant.

Dahil iyo ay isang powerful na anti-inflammatory, mainam ito para maiwasan ang diabetes. Naka pagpapalakas din ito ng brain function at nagpapababa sa posibilidad ng pagkakaroon ng brain disease gaya ng depression at Alzheimer’s disease, Pinabababa din nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng heart diseases. 

Ang luyang dilaw ay makakatulong para sa mga may arthritis, kidney problems, sakit sa ulo, mataas na cholesterol, diarrhea, bronchitis, pangangati ng balat, psoriasis,lagnat, sipon at maraming iba pa. 

Ayon sa mga eksperto, mainam araw araw na pag-inom ng tsaang luyang dilaw dahil tinagurian itong “most powerful natural medicine”. 

Kumain muna bago uminom ng turmeric tea upang maiwasan ang stomach irritation. Kung mayroong ibang karamdaman, o buntis ay mas nakabubuti ang pagkonsulta muna sa doktor bago uminom ng turmeric tea. Tandaan natin na ito ay pangtulong lamang. 

Sa ngayon ang turmeric ay marami ng nabibiling turmeric powder sa mga merkado. Marami na ang tumatangkilik dito. Ngayong panahon ng pandemic ay maraming umaasa sa bisa nito. Ganun pa man, mas mainam na magtanim tayo ng luyang dilaw sa ating bakuran kahit sa paso o mga balde lamang. Sa sariling ani, sigurado tayo na puro ang turmeric tea na ating ilalaga at iinumin. Bukod sa makakatipid tayo ng malaki sa pagbili ng mga powder na de bote.

Word of the week:

Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni’t ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.- Kawikaan 13:20

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.