MAYNILA. Kinumpirma ni outgoing Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez na ang beteranong TV reporter na si Jay Ruiz ang papalit sa kanyang posisyon bilang pinuno ng ahensya.
Ayon kay Chavez, nakausap na niya si Ruiz upang ipaalam ang kanyang nalalapit na panunungkulan. Nakatakda ring ipakilala si Ruiz sa PCO Management Committee (Mancom) sa darating na Lunes, Pebrero 24, bilang bahagi ng week-long transition process.
“So that by March 1, it’s already a plug-and-play for him as the new PCO Sec,” pahayag ni Chavez. Idinagdag din niya na nais niyang gawing pamantayan ang ganitong proseso ng maayos na paglipat ng pamamahala sa iba pang ahensya ng gobyerno. “I am also hoping that this kind of transition can be institutionalized in all other agencies,” aniya.
Matatandaang naghain ng kanyang irrevocable resignation si Chavez noong Pebrero 5, 2025, at pormal na bababa sa puwesto sa pagtatapos ng buwan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo